1. Pagkolekta ng mga impormasyon (sa pamamagitan ng anunsiyo ng diyaryo,pagpapahayag,
pagpapahayag ng real estate atbp)
(1) Pagkilala ng kaibahan ng pag-upa ng bahay sa pagbili ng bahay
Magbabayad kayo ng buwis at kabayaran sa pagpapanatili (maintenance fee) ng
tinitirahan kapag bumili ng bahay ditto sa Japan.
(2) Pagkilala ng nais na bilhin na bahay
Ukol sa isang seperadong bahay: Responsibilidad ng may-ari ang paglilinis ng
tambakan ng basura sa labas at sa paligid ng bahay.
Apartment: Bukod sa upa ng bahay, kinakailangang magbayad ng kabayaran sa pananatili
(maintenance fee), pag-aayos pag may nasira sa apartment, at bayad sa pag-garahe
ng sasakyan. atbp.
* Mayroong rin mga bahay na nakatayo sa upahang lupa, at maaari ring magtayo
ng bahay sa upahang lupa. Ngunit eto ay mas mura ng 50 hanggang 60 porsiyento
kaysa bumili ng bahay at lupa at nararapat na ibalik ang lupa bago lumipas ang
petsa ng pag-upa ng lupa. (Eto ay hanggang 50 mahigit na taong gulang lamang).
2. Kung nais bumili ng bahay, makipag-alam lamang sa ahensiya ng real estate
at gawin ang mga susmusunod:
(1) Magsiyasat tungkol sa nais na bilhing bahay
Ukol sa isang seperadong bahay :magsiyasat ng mabuti tungkol sa hugis ng lupa,
pundasyon ng bahay, mga kagamitan tulad ng elektrisidad,tubig gas, atbp.
Mga bagong tayong upahang bahay: kinakailangan munang tingnan at bisitahin ang
upahang bahay at matiyak ang kabuuhan ng bahay.
Mga lumang upahang bahay: Magsiyasat kung may mga bitak ang mga ding ding o
mantsya ang mga ding ding atbp.
(2) Magsiyasat tungkol sa pondo
Tiyakin muna kung sapat ang sariling pera, at kung hindi sapat , kung magkano
ang maaaring hiraming pera magmula sa bangko, atbp. Maaari ring makatulong ang
pagpapakita ng katunayang nagbabayad ng buwis. Maaaring humiram ng pera sa bangko
ang may permanenteng visa.
3. Maaaring makatulong ang mga sumusunod kung nais na bumili ng bahay at magkaroon
ng maayos na kontrata
(1) Paggawa ng aplikasyon sa pagbili ng bahay
May kabayaran ang aplikasiyon ng pagbili ng bahay, (hindi takda ang halaga nito)
at nararapat na magtamo ng resibo nito.
(2) Kinakailangang tiyakin at alamin ang tungkol sa mga importanteng bagay na
nababatay sa pagbili ng bahay, at ang konklusyon ng kontrata
Dito sa Japan, ang nangangasiwa ng napag-usapang kontrata ng magpapaliwanag
ng nilalaman ng kontrata, at pagkatapos, bayaran lamang ang deposito ng bahay
at pirmahan ang kontrata.
(3) Maaari ring humiling na humiram ng pera sa pambublikong samahan na pampinansiyal,
o bangko atbp
* Kinakailangang mayroong kasamang marunong bumasa at magsalita ng Hapon, sapagkat
maraming lalagdaang mahahalagang papeles. Ang selyo (INKAN) ay dapat na irehistro
sa munisipiyo.
4. Bayaran ang natitirang halaga at magkamit ng pag-aari ng propyedad (Huwag
kalilimutang hingiin ang titulo, ang kasulatan ng bahay at ang susi ng bahay)