KAPAG NAMATAY ANG ISANG TAONG MALAPIT SA INYO DITO SA JAPAN


Sa panahong namatayan ng isang taong malapit sa inyo . . . upang hindi mahirapan na sa pagdadalamhati ay hindi malaman kung ano ang unang dapat gawain, alamin natin ang mga impormasyong kinakailangan bago dumating ang panahong ito. Ang paraan ng paglibing ng Buddhist, Shinto, Kristiano (Katoliko, Protestante) at iba pa, ay nag-iiba ayon sa relihiyon, ang sumusunod ay ang pang-karaniwan na ginagawa sa pagpapalibing.

SA PANAHONG NG PAGKAMATAY
1 Kapag namatay sa ospital . . . kunin ang Death Certificate na pinirmahan o tinatakan ng selyo ng pangalan ng doktor na naging saksi sa oras ng kamatayan.
2 Kapag namatay sa bahay . . . tumawag agad ng doktor. Kunin ang Death Certificate matapos makumpira ng doctor ang kamatayan.
3 Kapag namatay sa aksidente . . . huwag galawin o ilipat ang bangkay hanggang may utos mula sa pulis. Matapos suriin ng doktor ng pulis ang bankay, makakakuha kayo ng Autopsy Report.

PAGPA-ALAM NG KAMATAYAN – Kapag namatay sa loob ng bansa ng Hapon, pati ang mga dayuhan na nakatira sa bansang ito ay kailangan ipa-alam sa munisipyo ng bayan ang ukol sa pagkamatay. Kailinangan din ibalik ang Alien Card ng namatay, kaya kung maaari isabay na ang pagsagawa nito. Kinakailangan din ipa-alam sa pamahalaan ng sariling bansa kaya itanong lamang sa embahada o konsulado ang pamamaraan ng pagpapa-alam.
Panahong ng pagbibigay-alam: sa loob ng 7 araw matapos mamatay, ipa-alam bago ipasunog ang bangkay
Saan ipapa-alam: sa minisipyo na sakop ang inyong tirahan o ang lugar na kinamatayan
Sino ang magpapa-alam: kamag-anak o kasama sa tirahan
Kinakailangan papeles: form ng pagpapa-alam ng kamatayan, Death Certificate mula sa doktor (Autopsy Report kung namatay sa aksidente), ang selyo ng pangalan ng taong magpapa-alam (kung walang selyo, maaari pirma lamang)
Sa bansang Hapon karaniwan ay ipinapasunog ang bangkay, isulat sa form ng pagpapa-alam ng kamatayan ang mga kinakailangan bago ito ibigay, ang paghiling ng permiso sa pagpapasunog (paglibing) ng bangkay ay kasama dito.

GASTOS SA PAGPALIBING, PAGLALAKAD NG PAGKUHA NG GASTOS SA PAGLIBING
Kapag ang namatay ang pinuno ng pamilya at siya ay ay may Social Health Insurance, ibibigay sa miyembro ng pamilya ang bayad sa pagpapalibing, kapag miyembro ng pamilya naman ang namatay, ibibigay sa may Social Health Insurance ang pangastos sa pagpapalibing. Kapag ang namatay naman ay may National Health Insurance, maaaring makakuha ng pangastos sa pagpalibing at kahit maliit lamang na halaga na tulong. Para sa mas detalyadong impormasyon, magtanong lamang sa departamento ng health insurance at pension sa munisipyo ng inyong lugar.

ANG PAGHAHANDA SA LIBING
-Mamimili ng pinuno ng libing mula sa pinuno ng pamilya, asawa, panganay na anak na lalaki at iba pa.
-Dahil sa nag-iiba ang paraan ng paglibing ayon sa relihiyon, tiyakin muna kung may nais na paraan ng paglibing na sinabi ang namatay bago ito sumakabilang-buhay, piliin ang paraan ng paglibing.
-Kailangan magpa-reserba ng karo ng patay, maghanda ng damit pang-luksa, maghanda ng litrato ng patay na ilalagay sa altar, ngunit maaari itong ipaubaya sa bahay-punerarya na siyang maghahanda ng lahat na ito bilang inyong kinatawan. Nag-iiba ang bayad ayon sa piniling punerarya at paraan ng paglibing, kaya kapag tumawag ng punerarya, itanong ng husto kung magkano ang kanilang sisingilin. Kung kayo ay kukonsulta sa munisipyo na sakop ang inyong lugar, maaaring mag-rekomenda sa inyo ng bahay-punerarya.

ANG PAGDALA NG BANGKAY SA IBANG BANSA
Kapag dadalhin ang bangkay sa ibang bansa, may kasong kailangan ang pag-embalsama sa bangkay upang maayos, mapigilan ang pagbulok at ma-isterila ang bangkay. Malaki ang gastos sa pag-embalsama at pag-padala sa eroplano ng bangkay. Ang pagpapadala ng bangkay ay tinuturing na pagpapadala ng bagahe, maaari ninyo ipaubaya ito sa mga kumpanyang nagpapadala ng mga bagahe sa pamamagitan ng eroplano. Mayroong mga batas ukol sa pagdala ng bangkay sa bawat bansa, itanong lamang sa embahada o konsulado ng sariling bansa ang mga hakbang na kinakailangang gawain.