ANG SISTEMA PARA SA PAGHAHASA NG KAALAMAN AT TEKNIKAL NA PAGSASANAY NG MGA DAYUHAN


May iba’t ibang uri ng pahintulot upang manatili sa bansang Hapon para sa mga dayuhan na pumumunta rito na ang layunin ay maghanap-buhay, maliban dito may sistema na maaaring tumanggap ang mga kumpanya nang mga dayuhan sa layuning “paghahasa ng kaalaman” at “teknikal na pagsasanay”. Subalit may mga kaguluhang lumalabas sa mga kumpanyang tumatangap na ito. Maliban dito, dahil sa pagkakaiba ng “paghahasa ng kaalaman” at ng “teknikal na pagsasanay”, kinakailangan ang sapat na pag-unawa sa sistema.

ANG KAIBAHAN NG “PAGHAHASA NG KAALAMAN” AT NG “TEKNIKAL NA PAGSASANAY”

ANG LAYUNIN
Ang layunin ng “paghahasa ng kaalaman” ay upang matuto ng kakayahan sa trabaho at kaalaman, hindi ito trabaho.
Ang layunin naman ng “teknikal na pagsasanay” ay upang lalong mapagaling ang natutunang kakayahan at kaalaman ng isang taong mayroon nang kakayahan, habang nasa loob ng pinapasukang kumpanya, tinuturing ang mga ito na mangagawa.

ANG URI NG PAHINTULOT UPANG MANATILI AT ANG HANGGANAN NITO
Ang uri ng pahintulot ng isang “naghahasa ng kaalaman” ay [kenshuu] o [paghahasa ng kaalaman] , ang hangganan nito upang manatili ay isang taon.
Samantala, ang uri ng pahintulot ng isang isang tapos na sa paghahasa ng kaalaman at teknikal na magsasanay na lamang ay [tokutei katsudou] o [hirang na gawain], ang hangganan nito upang manatili ay 3 taon, kasama na ang panahon ng “paghahasa ng kaalaman”.

ANG PAGGAMIT NG BATAS PARA SA MANGGAGAWA BILANG BATAYAN
Hindi sakop ng batas para sa manggagawa ng mga naghahasa ng kaalaman dahil sila ay hindi manggagawa.
Ang mga teknikal na nagsasanay naman ay sakop ng batas para sa manggagawa.

ANG SAHOD
Ang mga naghahasa ng kaalaman ay binibigyan ng sustento para sa tirahan, pagkain at iba pang mga gastos.
Ang mga teknikal na nagsasanay naman ay binabayaran ng sahod na tulad o higit pa sa mga manggagawang Hapon.

ORAS NG PAGHAHASA NG KAALAMAN AT NG TEKNIKAL NA PAGSASANAY
Hindi maaaring isagawa ang paghahasa ng kaalaman na lampas sa oras na nakalaan para sa paghahasa ng kaalaman, at sa mga araw na walang pasok.
Ang mga teknikal na nagsasanay naman ay maaaring magsanay na lampas sa oras na nakalaan sa pagsasanay, at sa mga araw na walang pasok.

ANG INSURANCE
Hindi maaaring gamitin ng mga naghahasa ng kaalaman ang “Workmen’s Accident Compensation Insurance” at ang “Employment Insurance”, kinakailangan na sila ay kumuha ng pribadong insurance.
Ang mga teknikal na nagsasanay naman ay maaaring gumamit ng “Workmen’s Accident Compensation Insurance”, “Employment Insurance”, at Public Health Insurance”.

HALIMBAWA NG MGA MADALAS NA KAGULUHAN NA NANGYAYARI HABANG NAGHAHASA NG KAALAMAN O TEKNIKAL NA NAGSASANAY
Kinukuha ng kumpanya ang pasaporte, libreta ng banko at selyo ng pangalan.
Pinipilit na magtrabaho tulad ng mga tumatanggap ng sahod na tunay na manggagawa ang mga naghahasa ng kaalaman.
Kahit isang teknikal na nagsasanay na, hindi binibigyan ng lubos na paliwanag ang tungkol sa araw na walang pasok o bakasyon na may bayad.
May pagkakataon na hindi sila libre na lumabas.

PARA SA IBA PANG IMPORMASYON TUNGKOL SA “PAGHAHASA NG KAALAMAN” O SA “TEKNIKAL NA PAGSASANAY”
Advocacy Network for Foreign Trainees
c/o Zentoitsu Rodo-Kumia
Shinhirokoji Building 5F
1-1-12 Ueno, Yaito-ku, Tokyo
Tel: 03-3836-9061 Fax: 03-33836-9077