PINANSIYAL NA TULONG SA PAGPAPALAKI NG BATA (JIDOU FUYOU TEATE)


Dahil sa dumadami ang kaso ng diborsiyo, dumadami ang mga pamilyang nag-iisa ang magulang. Napakahirap magpalaki ng anak habang nagtatrabaho upang kitain ang kinakailangan upang suportahon ang pamumuhay na kasama ang anak. Dito sa Japan, upang mapatatag ang pamumuhay at makatayo sa sariling paa ang mga pamilyang nag-iisa ang magulang, may sistemang makakatanggap ang mga pamilyang tulad nito ng pinansiyal na tulong sa pagpapalaki ng bata.

Ang Maaaring Makatanggap ng Tulong:
Maaaring makatanggap ng tulong ang mga pamilyang nag-iisa ang magulang dahil sa pagkamatay o pag-diborsiyo ng asawa; o sa isa sa magulang ng mga pamilya na nagpapalaki ng anak na wala pang 18 taong gulang na ang asawa ay may malubha ang kapansanan sa katawan o pagiisip, o kaya sa taong sa halip ng magulang ay nagpapalaki ng bata. (Kung ay bata ay may kapansanan sa katawan o pag-iisip, hanggang sa maging 20 taong gulang ito.) Mayroong mga limitasyon batay sa kita.

Halaga ng Tulong:
Nag-iiba ang halaga ng ibinibigay na tulong batay sa halaga ng kita ng nagpapalaki ng bata at sa kung ilan ang batang pinalalaki. 3 beses sa isang taon, ang halaga para sa 4 na buwan ay hinuhulog sa account sa banko na nasa loob ng tinitirahang perepaktura. Kinakalkula ang halaga ng tulong ayon sa halaga ng kinikita at kung ilan ang miyembro ng pamilya.

Lugar ng Pagharap ng Hiling (Pag-aaplay):
Sa tanggapan ng tagapangasiwa ng pagbibigay ng tulong sa pagpapalaki ng bata sa inyong tinitirahang lugar.

Kinakailangang mga Papeles:
Application form (makukuha sa lugar na pag-aaplayan), tatak ng pangalan, libreta ng savings account sa banko (upang matiyak kung saan ipapadala ang pera) , ang rehistro bilang isang dayuhan ng magulang o tagapag-alaga, ang rehistro bilang isang dayuhan ng bata (kung ang bata ay mamamayan ng Japan, kailangan ang kopya ng rehistro ng pamilya at ang sedula na nakalagay ang lahat na miyembro ng pamilya) , papeles na makakapagpatunay na kayo ay maaaring makatanggap ng tulong (naiiba ang kinakailangan na papeles ayon sa kondisyon ng kahilingan) , at report kung papaano kayo namumuhay (may kasong may iba pang papeles na hihilingin) .