PARAAN NG PAG-GAMIT NG INTERNET SA JAPAN


May apat na pamamaraan upang magamit ang Internet sa Japan.
1. Maari Kayong makapag-Internet sa “Internet Cafes” (May bayad).
Ang mga Computers sa “Internet Cafes” ay nakakonekta sa Internet. Dito ay makakapag-Surfing kayo nga Web Sites, makakapagpadala at maka katanggap din E-mail habang kayo ay umiinom ug kape at iba pa. Ang patakaran ng pagbabayad para sa Internet service ay iba-ibang klase, pero ang kadalasang sisingilin sa inyo ay ang oras na inyong nagamit sa pag-iinternet bukod sa inyong inorder na inumin at pagkain. Para sa iba pang impormasyon tungkol sa “Internet Cafes” tunghayan lamang sa WEB site http://www.itagaki.net/pc/ic/

2. Maari kayong makapag-Internet sa ilang pampublikong pasilidad (Ito ay libre).
May ilang pampublikong pasilidad na maaari kayong makagamit ng computer na nakakoneekta sa Internet. Isa na rito ang International Association.

3. Pakikipagkontrata sa may Internet provider o ISP.
Kung ang kontrata ay ginawa ng may kasamang Internet provider o ISP, maikokonekta ninyo ang inyong Personal Computer sa Internet. May ilang providers na nag-oofer ng libreng serbisyo.

4. Paggamit ng foreign-based Internet Provider.
May ilang foreign-based Internet provider na nagbibigay ng access points sa Japan. Kaya lang, baka may extra charge na babayaran bukod sa tinatawag na basic fee.

Kung sakali man at hindi kayo nakakaintindi ng wikang Hapon, makipag-ugnayan sa mga sumusunod na organisasyon:

*NGO GQ-net: 078-232-1290
Sa wikang Ingles, Tsina, Korea, Espanyol, Portugis, Hapon
Araw ng konsultasyon: Lunes, Miyerkules, Biyernes 2:00-8:00pm
*NGO Vietnam in Kobe: 078-736-2987
Sa wikang Vietnam at Hapon
Araw ng konsultasyon: Lunes hanggang Biyernes alas 9:00am-5:00pm. Sabado 6:00pm-8:00pm