TRAFFIC ACCIDENT


Maraming traffic accident sa Japan. Taon-taon mga 10,000 ang namamatay sa traffic accident. Mahirap maging biktima ng aksidente, pero mas mahirap kung ikaw ang may kasalanan dahil sa laki ng bayad-pinsala. Pag-aralan ninyo ang sumusunod na impormasyon tungkol sa traffic accident at insurance:

1) Compulsory insurance (kyousei-hoken):
Ang biktima lang ng traffic accident ang binabayaran ng compulsory insurance at ito at hindi pa sapat.
Ang sakop na compulsory insurance ay kapinsalaan sa katawan o kamatayan ng biktima. Hindi nito sakop ang pinsala sa gamit o ari-arian. Ang pinakamalaking halagang ibinibigay ay 30 million yen kung may mamatay o after mag kapinsalaang (naging resoluta), at 1.2 million yen kung masugatan.

2) Voluntary insurance (nin-i-hoken):
Sakop ng voluntary insurance ang biktima at ang ari-arian/ gamit (property). Bagama’t mas mahal, mas may security sa voluntary insurance. Sa ngayon, karaniwan na ang bayad na dulot ng traffic accident ay umaabot sa millions miuong dany yen kung may mamatay o (after effects), at tens of millions of yen sa taong masugatan dahil sa gastos sa pagpapagamot. Kaya kulang ang bayad ng compulsory insurance. Maliban sa pagpupuno sa kakulangan ng compulsory insurance, ang voluntary insurance ay sumasakop din sa gamit at kotse at ang kapinsalaan ninyo. Bagama’t mahal ang premium, mas may security kayo sa voluntary insurance.

3) Kapag may traffic accident:
Kapag may traffic accident at may nasugatan, tumawag muna ng ambulansiya, at saka tumawag sa police para i-report ang accident. Pagkatapos nito, kumonsulta kayo sa insurance company ninyo, o sa mga opisinang nagbibigay ng payo. Maaaring lalong lumala ang problema kung madalian, at nag-iisa, kayong ayusin ang kaso. Kumonsulta muna kayo sa inyong insurance company, o iba pang upisina bago gumawa ng susunod na hakbang.

Kung sakali man at hindi kayo nakakaintindi ng wikang Hapon, makipag-ugnayan sa mga sumusunod na organisasyon:
*NGO GQ-net: 078-232-1290
Sa wikang Ingles, Tsina, Korea, Espanyol, Portugis, Hapon
Araw ng konsultasyon: Lunes, Miyerkules, Biyernes 2:00-8:00pm
*NGO Vietnam in Kobe: 078-736-2987
Sa wikang Vietnam at Hapon
Araw ng konsultasyon: Lunes hanggang Biyernes alas 9:00am-5:00pm. Sabado 6:00pm-8:00pm