MGA PUNDAMENTAL NA IMPORMASYON UKOL SA HIV


HIV ay maikling tawag sa Human Immunodeficiency Virus. Dahan-dahang sinisira ng HIV ang immune system ng katawan (ang resistensiya upang labanan ang mga bakteryang dahilan ng iba’t ibang sakit). Wala pang gamot upang lubusang sugpuin ang HIV na siyang pinagmumulan ng AIDS (Acquired Immune Deficiency Syndrome) na sinasabi nila ay mauuwi sa kamatayan.

Subalit sumusulong ang pananaliksik sa sakit na ito at ngayon may mga gamot na na sumusupil sa HIV at nagpapalakas ng immune system ng katawan na kung inumin ay makapamumuhay ng tulad ng isang normal na tao, paunti-unti lamang ngunit napapahaba na buhay ng mga na-impekto.

Ang mga mayor na ruta ng impeksyon ay (1) pakikipag-sex, (2) dugo, at (3) impeksyon ng ina at sanggol. Ang pinaka-maraming pagkaimpekto ngayon sa bansang ito ay ang sa paraan ng pakikipag-sex. Upang mapigil ito kailangang-kailangan ang paggamit ng condom. Ang paggamit ng iisang karayom ng iniksiyon sa ilang tao ay isa pang dahilan ng pagkalat ng impeksyon. Kapag buntis at nag-aalala, magpa-eksamin para sa HIV, kung positibo ang resulta kumonsulta sa manggagamot sa paraan upang hindi mahawa ang dinadalang sanggol.

Ang iba pang paraan upang mahawa maliban sa nasabi na ay hindi magkaka-impeksyon sa normal na pamumuhay. Ang dugo o mga parte ng dugo naman na ginagamit sa pagsalin ng dugo ay dumadaan muna sa pagalis ng birus kaya hindi mapanganib.

Ang mga na-impekohang tao ay hirap na ngang pangalagaan ang kanilang kalusugan, kailangan pa nilang malipaglaban sa mga natatanggap na diskriminasyon at prehuwisyong pagtrato sa kanila ng lipunan. Kung sakali mang makatagpo ng isang na-impekto, huwag iwasan o diskriminahin, tratuhin lamang na tulad ng isang normal na tao.

Walang mahahalatang pagbabago sa katawan kahit na ma-impekto ng HIV kaya kung nag-aalala, huwag matakot at magpa-eksamin para sa HIV. Ang pag-eksamin para sa HIV ay libre kahit saan mang Health Center sa buong bansa. Maaaring huwag sabihin ang pangalan. Ang pag-eksamin ay napakadali, kinukuhaan ng dugo, pagkalipas ng 1~2 linggo lalabas ang resulta. Maaaring mangailangan ng interpreter upang maintindihan ang paliwanag ukol sa resulta ng pag-eksamin ang hindi pa masyadong nakakaintingi ng wikang Hapon. Kapag na-impektohan iba’t ibang mga serbisyong pang-medikal at pang-lipunan ang maaaring gamitin kaya kumonsulta sa mga grupong sumusuporta at nagbibigay-payo ukol sa bagay na ito.

Kung nais kumunsulta tungkol sa pagpapagamot, tumawag lamang sa AMDA International Medical Information Center, Tokyo or Kansai, mula alas-9
ng umaga hanggang alas-5 ng hapon. Mayroong mga interpreters kaya kahit ang hindi marunong mag-hapon ay maaaring kumunsulta.

*Tokyo Center: 03-5285-8088
Mga wikang maaaring gamitin: Thai, Chinese, Korean, Spanish, Portugese, Pilipino, Persian
*Kansai Center: 06-4395-0555
Mga wikang maaaring gamitin: Spanish, Portugese, Chinese