Naisipan na ba ninyong dagdagan o matuto ng nakapamumukod na kaalaman, o kaya naman para makapamasukan muli sa trabaho ay madagdagan ang inyong kakayahan at kaalaman? Para sa pagkakataong ito mayroong "Sistema ng Subsida para sa Pagsasanay na Pang-Edukasyon" ang Koyou Hoken (Insurance Pang-disempleado) na maaari ninyong gamitin. Ang layunin ng sistemang ito ay ang suportahin ang mga nagtatrabaho, upang mapapirmi sa pinapasukan o makakuha muli ng mapapasukan. Ito ay sinimulan noong Disyembre 1, 1999 at binago ang mga benepisyo noong Enero 2001.
*ANG MAAARING MAKAKUHA NG SUBSIDA
Lahat na sa kasalukuyan ay kasapi o dating kasapi ng Koyou Hoken na nakakatugon sa mga kondisyong nakatakda.
*HALAGA NG MATATANGGAP NA BENEPISYO
Kung ang kurso na inyong kukunin ay nasa mga itinakda ng Ministeryo ng Pang-kalusugan, Pang-kabutihan at Pang-trabaho, ang 80% ng gastos sa kurso (bayad sa pagpasok, matrikula at iba pa) ay ibabalik ng Ahensiya para sa Kapanatagan ng Pamamasukan na kung tawagin dito ay "Hello Work".
Paalala
1. Kung ang halaga ng 80% na ibabalik ay humigit sa 300,000 yen, ang matatanggap ay 300,000 yen lamang, at kung ang halaga ay hindi lalaki sa 8,000 yen walang ibabalik na halaga.
2. Ang palugit ng pag-aaplay ng isang buwan bago ang susunod na araw na matatapos ang kinukuhang kurso, hindi na maaari paglampas ng araw na ito.
Magtanong sa pinakamalapit na opisina ng "Hello Work" ukol sa mga kondisyong nakatakda, mga benepisyo at iba pang detalya. Kung hindi nakakaintindi ng wikang hapon, magsama ng tagapagsalin (interpreter) at kumunsulta sa kaunter na nakalaan para sa mga dayuhan.
*NGO GQ-net: 078-232-1290
Sa wikang Ingles, Tsina, Korea, Espanyol, Portugis, Hapon
Araw ng konsultasyon: Miyerkules 2:00-8:00pm; Sabado 11:00am-5:00pm
*NGO Vietnam in Kobe: 078-736-2987
Sa wikang Vietnam at Hapon
Araw ng konsultasyon: Araw-araw 9:00am-3:00pm maliban lamang sa pistang pambansa.