Obligasyon ng lahat ng taong kumikita habang nagtatrabaho sa Japan ang magbayad ng buwis sa kita na tinatawag ditong SHOTOKUZEI. Ang buwis na ito ay buwis sa lahat ng kita sa loob ng isang taon mula Enero 1 hanggang Disyembre 31. Sa bansang ito may sistema na kung tawagin ay GENSENCHOUSHU SYSTEM na kung nagtatrabaho sa kumpanya ang buwis ay binabawas na sa buwan-buwang suweldo at sa bonus at ang kumpanya na ang nagbibigay ng buwis na ito sa gobyerno.
Subalit, ang mga tao na napapailalim sa sumusunod na mga kategorya ay kailangang mag-file ng income tax return na kung tawagin dito ay KAKUTEISHINKOKU upang muling makalkulo ang tamang halaga ng kanilang buwis. Maaaring bumalik pa ang naibayad na na buwis.
1. Ang hindi nakapag-file ng tax adjustment sa tapos ng taon (o kaya naman ang
hindi ipinag-file).
2. Ang tumigil sa trabaho sa loob ng taon.
3. Ang nagpakasal at dumami ang dependents.
4. Ang nanganak o nagka-anak.
5. Ang nagkagastos ng malaki sa pag-papagamot.
(Mahigit ¥100,000 sa loob ng nakalipas na taon, o kaya kung ang kita ay mababa sa ¥200,000 at ang nagastos sa pag-papagamot at mahigit sa 5% ng kita.)
Ang iba pang kaso ay kung sobra ang binayad na buwis at nais maibalik, maaaring magdeklara sa buwis na ibinayad sa nakalipas na 5 taon.
Ang KAKUTEISHINKOKU ay maaaring gawain sa opisina na namamahala sa buwis sa inyong tinitirahang lugar mula Pebrero 16 hanggang Marso 15 taon-taon.
[ANG MGA MAAARING HILINGANG NG PAYO NG MGA DAYUHAN SA KOBE]
* Information Center para sa mga Dayuhan [Hyogo]: 078-382-2052
Wika: English, Chinese, Spanish, Portugese at Japanese
Araw na maaaring kumonsulta: Lunes~Biyernes, alas 9 ng umaga ~ alas 5 ng hapon
* Kobe Foreigner's Center [KFC]: 078-731-6926
Wika: Vietnamese at Japanese
Araw na maaaring kumonsulta: Martes~Biyernes, alas 10 ng umaga ~ alas 4:30 ng hapon
* NGO Network sa Pagtulong ng Mga Dayuhan sa Kobe [GQ-net]: 078-232-1290
Wika: English, Chinese, Korean, Spanish, Portugese at Japanese
Araw na maaaring kumonsulta: Miyerkules; alas 2:00 ng hapon ~ alas 8:00 ng gabi, Sabado; alas 11:00 ng tanghali ~ alas 5:00 ng hapon