PAMPAMILYANG KALUPITAN


Narinig nyo na ba ang mga katagang “Domestic Violence o DV” na sa wikang tagalog ay “pampamilyang kalupitan”. Ang DV na tinatawag ay isang karahasan na isinagawa ng isang asawa o kasama sa buhay. Ang karaniwang nagiging biktima ay mga kababaihan. Ang ganitong uri ng pagmamalupit ay nagaganap sa loob mismo nga pribadong pamamahay na kung saan ang mga taga-labas ay di madaling makapamagitan sa nagaganap na gulo. Ang DV ay masasabing “isang malalang away ng mag-asawa” o “problemang pampamilya”, dahilan kaya ang mga autoridad ay di nakikialam. Gayon pa man, ito ay isang malaking pagkakamali. Ang DV ay isang krimen. Ang mga kalalakihan ay nagiging mabuting asawa “kung” ang kanilang kabiyak ay nakatutugon sa kanilang gustong kabiyak o binuong imahisasyon. Subalit, may mga pangyayaring kung di na sila makuntento sa kanilang kabiyak ay nagiging malupit ang ilang sa mga ito. May mga pagkakataon naman na pinagbabalingan ng mga ito ang kanilang kabiyak sa sandali ng kawalang kasiyahan at pagka-aburido sa trabaho at lipunan. Ang mga ganitong pangyayari ang nagiging dahilan upang ito ay mag-iwan ng malalim na sugat sa puso at kaisipan ng mga batang nakasaksi kung paano ang kanilang pinakamamahal na ina ay dumanas ng kalupitan.

Ang mga dayuhang kababaihan na naninirahan dito sa Japan na biktima ng DV ay madalas makaranas ng ibayong paghihirap ng kalooban gawa ng wala sila sa kanilang sariling bansa, walang pamilyang mahihingan ng payo, mangilan-ngilan ang kaibigan, hindi malaman kung saan hihingi ng payo at di makapag-salita ng maayos na wikang hapon. Idagdag pa ang problema sa “visa” na siya pang nakakapagpalala sa problemang dinadala sa kasalukuyan. Ang mga kababaihang nakaranas ng kalupitan ay hindi problema. Ang problema ay ang mga kalalakihang nagmalupit sa mga ito.

Di na kinakailangan pang magdusang mag-isa. Humingi ng payo o tulong sa Center for Women o sa Foreigner's Support Center na malapit sa inyong lugar. Ang inyong kapasyahan ay igagalang at ang inyong lihim ay pangangalagaan.

[Mga Center sa Kobe]
* W.S.Hyogo
Tel. at Fax: 078-251-9901
Araw na maaaring kumonsulta: tuwing Huwebes, alas 12 ng tang-hali ~ alas 5 ng hapon
* Asian Women's Empowerment Prject [AWEP]
Tel. at Fax: 078-735-6131
Araw na maaaring kumonsulta: tuwing Miyerkules, alas 11 ng umaga ~ alas 5 ng hapon
Wikang magagamit: English, Portuguese at Tagalo
* NGO Network sa Pagtulong ng Mga Dayuhan sa Kobe [GQ-net]
Tel. at Fax: 078-232-1290
Araw na maaaring kumonsulta: Tuwing Miyerkules, alas 2 ng hapon ~ alas 8 ng gabi
Tuwing Sabado, alas 11:00 ng tanghali ~ alas 5:00 ng hapon
Wikang magagamit: English, Chinese, Spanish at Portugese