Kayo ba ay may lisensya sa pagmamaneho mula sa inyong bansa o sa ibang bansa na di ninyo nagagamit?
Kung inyong mapatutunayang kayo ay nakapanatili sa bansang pinagkunan ng naturang lisensya ng mahigit sa tatlong buwan matapos na ito ay ma-isyu sa inyo, at matapos makumpletong lahat ang mga hinihiling ng patakaran, ang inyong lisensya ay mapapalitan upang ito ay inyong magamit sa Japan.
Gayunman, depende sa bansang pinagkunan ng lisensya, maaaring kayo ay hilinging kumuha ng pagsusulit sa kakayahan, kaalaman at kahusayan sa pagmamaneho.
Ang mga kinakailangang mga papeles at pagsusulit na hinihiling upang ang inyong lisensyang hawak ay magamit sa Japan ay maaring magkaroon ng pagkakaiba ng kaunti, depende sa bawa't Prefectural Public Safety Commission.
Ang pag-aaplay ay nararapat na gawin sa Driving Examination Office ng Police Headquarters na siyang sumasakop sa lugar na inyong tinitirhan na makikita sa inyong Alien card o Alien Registration Certificate.
Halimbawa, kung kayo ay nakarehistro na naninirahan sa may Hyogo Prefecture, kakailanganin ninyong ibigay ang inyong application sa Hyogo Prefecture Police Headquarters Driving Examination Office na matatagpunan sa 1649-2 Niyama-cho, Akashi City at ang telepono ay 078-912-1628.
Ang mga kakailanganing mga dokumento at iba pang bagay ay ang mga sumusunod:
1. Ang inyong kasalukuyang Driver's License na na-isyu sa inyo mula sa ibang bansa.
2. Ang inyong pasaporte (na nagpapatunay ng inyong pananatili sa bansang pinagkunan ng lisensya sa pagmamaneho ng mahigit sa tatlong buwan simula sa petsa ng ito ay ma-isyu sa inyo).
3. Ang inyong Alien Card o Alien Registration Certificate.
4. Isang kopya ng inyong larawan (3 cm x 2.4 cm).
5. Japanese Translation ng linyong lisensya.
6. Itim na ballpen at ang inyong panatak o seal (inkan sa wikang Hapon).
7. Kung ang inyong lisensya ay di nagtataglay ng petsa ng ito ay na-isyu sa inyo, mangyari lamang na magdala ng mga papeles na makakapagtibayan ng tala ng inyong lisensya.
Tungkol naman sa Japanese Translation ng inyong hawak na Driver's License sa kasalukuyan, tatanggapin lamang ang gawa mula sa JAF (Japan Automobile Federation) o kaya ang mula sa embahada o konsulado ng bansang siyang pinagkunan ng naturang lisensya.
Ang JAF Hyogo Branch ay matatawagan sa 078-871-7563.
Ang babayaran para sa Driving Aptitude, Knowledge at Skill Examination ay ¥2,400, may karagdagang 1,750 para sa tinatawag na application fee naman.
Kung may mga katanungan at nais pang malamang bagay, makipagkita lamang sa taong siyang namamahala sa Driver's Licenses sa inyong lokal na police station.
Sakali man di kayo nakakaintindi ng wikang Hapon, makipag-alam po lamang sa mga sumusunod na organisasyon na kung saan may mga interpreters na siyang makakatulong sa inyo:
* Kobe Foreigner's Center [KFC]: 078-731-6926
Wika: Vietnamese at Japanese
Araw na maaaring kumonsulta: Martes~Biyernes, alas 10 ng umaga ~ alas 4:30 ng hapon
* NGO Network sa Pagtulong ng Mga Dayuhan sa Kobe [GQ-net]: 078-232-1290
Wika: English, Chinese, Korean, Spanish, Portugese at Japanese
Araw na maaaring kumonsulta: Miyerkules, alas 2:00 ng hapon ~ alas 8:00 ng gabi
Sabado, alas 11:00 ng tanghali ~ alas 5:00 ng hapon