UKOL SA PAG-APPLY NG “PERMANENT RESIDENT” VISA


Parami ng parami ang mga kumokonsultang mga dayuhan ukol sa [Permanent Resident] visa.

Maraming magandang aspekto kapag nagkaroon ng [Permanent Resident] visa tulad ng hindi na kailangang humingi ng extension dahil hindi na matatapos ang panahon ng inyong visa, wala ng mga restriksyon sa inyong pamumuhay, at iba pa. Malaki ang kaibahan kapag nakakuha na ng [Permanent Resident] visa lalo na kung mag-diborsiyo dahil kailangan magpapalit ng visa kung ang iyong visa ay visa ng asawa ng hapon.

Ang [Permanent Resident] visa.ay makakamit matapos maabot ang ilang kondisyones at maipasa ang tinatawag na screening process. Kinakailangan din na ang applikante ay nakapanatili dito sa Japan ng mahigit sa sampung taon. Subalit nagiging maluwag ang pagsasagawa ng naturang regulasyon.

Halimbawa ng taong 1998, ang Immigration office ay nagbigay ng pahayag na sa kaso ng mga dayuhang kasal, anak o ampung anak ng isang mamamayan ng Japan, ng isang nagtataglay ng Permanent Resident visa, o ng isang may espesyal na Permanent Resident visa, matapos ikasal tatlong taon lamang ang kinakailangan na sila ay nanirahan sa Japan. Sa kasong ikinasal sa labas ng Japan, kailangang tatlong taon ng kasal ngunit isang taon lamang kinakailangan nanirahan sa Japan. Sa mga dayuhang asawa kailangan ang katibayan na sila ay talagang nagsasama at mayroon siyang visa na asawa ng isang hapon sa oras ng pag-apply ng Permanent Resident visa.

Sa kaso naman ng isang mayroong Resident visa, kailangang naninirahan sa Japan ng limang taon na ang visa ay Resident visa. Para naman sa isang natuturing na refugee, kailangang limang taon siyang tuluyang nakatira sa Japan. Para naman sa mga dayuhang pumasok dito na ang visa ay student visa, nakatapos ng pag-aaral at nagtrabaho, kinakailangang limang taon siyang may working visa bago makapag-apply ng Permanent Resident visa.

Sa kahit anong visa man, ang mahalaga ay sa oras ng pag-apply ng Permanent Resident visa nakakuha na kayo ng pinakamahabang panahon na maaaring ibigay para sa klaseng visa na hawak ninyong.

Upang makapag-apply ng Permanent Resident visa, kailangan tumupad sa mga nabanggit na mga kondisyon, ihanda ang mga papeles na kinakailangan upang mapatunayan ang sarili, trabaho, kinita, at kinakailangan din ang mga papeles galing sa inyong guarantor. Dahil sa kailangang suriin ang bawat aplikante, mga anim na buwan ang kinakailangan bago mailabas ang resulta ng inyong application.

Para sa mas detalyadong impormasyon, kumunsulta lamang sa pinakamalapit na information center para sa mga dayuhan. Maaaring kumonsulta sa sariling wika dahil mayroong mga interpreters.

[KOBE]
* NGO Foreigner’s Assistance Network in Kobe [GQ-net]: 078-232-1290
Salitang maaaring gamitin: English, Chinese, Korean, Spanish, Portugese at Japanese
Miyerkules: 2:00 pm ~ 8:00 pm; Sabado: 11:00 am ~ 5:00 pm
* Kobe Foreigner’s Support Center [KFC]: 078-731-6926
Salitang maaaring gamitin: Vietnamese at Japanese
Mula Lunes hanggang Biernes: 10:00 am ~ 4:30 pm
* Foreign Resident’s General Information Center, Kobe: 078-326-5141
Salitang maaaring gamitin: English, Chinese, Portugese (tuwing Martes)
Spanish (tuwing Huwebes)
Mula Lunes hanggang Biernes: 10:00 am ~ 4:00 pm