Ang pangangalaga sa ating kalusugan ay napakahalaga kung nais nating mamuhay
ng masaya araw-araw. Para sa mga naninirahan sa Japan, natural lamang na mapa-iksamen
ng regular ang kanilang kalusugan ng mga tao na may katungkulang pangalagaan
ang kalusugan nila (tulad ng mga mga employers, mga prinsipal ng paaralan, mga
alkalde ng siyudad, at iba pa). Hindi sakop ng medical insurance ang gastos
na napakamahal ng pagpa-iksamen ng kalusugan ng kusa ngunit ang mga nakatakdang
pag-iksamen sa kalusugan na nakasulat sa ibaba ay maaaring isagawa ng libre
o sa halagang napakamura lamang.
1. Para sa mga nagtatrabaho, magpa-iksamen sa panahon at lugar ng itinakdang
medical check-up ng pinagtatrabahoang kumpanya.
2. Para sa mga estudyante, magpa-iksamen sa panahon at lugar ng itinakdang medical
check-up ng paaralang pinapasukan.
3. Para sa mga taong 40 taong gulang o mahigit, kung walang pagkakataong magpa-iksamen
sa nakasulat sa itaas, magpa-iksamen sa Public Health Clinic o sa Heath Center
na sakop ang inyong lugar ng tirahan.
4. Para sa mga sanggol o maliliit na bata, magpa-iksamen sa Public Health Clinic
o sa Heath Center na sakop ang inyong lugar ng tirahan.
5. Kung nangangailangan ng iba pang pagpapa-iksamen na hindi sakop ng nakasulat
sa itaas, pagpa-iksamen sa Public Health Clinic o sa Heath Center na sakop ang
inyong lugar ng tirahan.
Sa lahat na pagpapa-iksamen sa nakasulat sa taas, ang mga kailangan papeles
at ang nilalaman ng mga papeles na ito, at ang halagang kinakailangan bayaran
ay iba-iba.
Halimbawa, sa Siyudad ng Kobe, Hyogo Prefecture, mayroong mga nakatakdang pang-medikal
na pag-iksamen na libre kung ikaw ay rehistradong dayuhan sa munisipyo na sakop
ng Siyudad ng Kobe o kung ikaw ay nagtatrabaho sa Siyudad ng Kobe. Ang layunin
ng mga pag-iksamen na ito ay upang pigilin ang pagkalat ng mga sakit at ang
maagang pagtuklas ng mga sakit, at ang mga pag-iksamen na ito ay ang sa alta-presyon,
ihi, dugo, electrocardiogram at X-ray. Ito ay ginaganap tuwing Miyerkules ngunit
kailangan humiling ng appointment. May ibat-iba pang klaseng pag-iksamen
na maaaring isagawa ng libre o sa halagang napakamura batay sa tanda ng isang
tao.
Ang mga kinakailangan papeles, ang batayan na tanda ng tao, libre man o may
bayad, ang araw ng pag-iksamen, at iba pa, ng mga medikal na pag-iksamen na
maaaring isagawa sa Public Health Clinic o sa Heath Center, ay nagbabago sa
bawat lugar. Para sa mga detalye magtanong lamang sa sa Public Health Clinic
o sa Heath Center na sakop ang inyong lugar ng tirahan.
Kung nais kumunsulta tungkol sa pagpapagamot, tumawag lamang sa AMDA International
Medical Information Center, Tokyo or Kansai, mula alas-9 ng umaga hanggang alas-5
ng hapon. Mayroong mga interpreters kaya kahit ang hindi marunong mag-hapon
ay maaaring kumunsulta.
* Tokyo Center: 03-5285-8088
Mga wikang maaaring gamitin: Thai, Chinese, Korean, Spanish, Portugese, Pilipino,
Persian
* Kansai Center: 06-4395-0555
Mga wikang maaaring gamitin: Spanish, Portugese, Chinese
Sa ibang pang wika naman, kumunsulta sa pinakamalapit na information center
para sa mga dayuhan.
* Kobe Foreigners Support Center [KFC] (Vietmanese, Japanese)
Araw at Oras: Martes~Biyernes, mula alas 10 ng umaga ~ 4:30 ng hapon
Telepono: 078-731-6926