SISTEMA NG ABOGADONG “ON-DUTY”


Ayon sa batas ng Japan, hindi maaaring bigyan ng isang opisyal na abogadong tagapagtanggol ang isang taong kasalukuyang iniimbistigahan ng pulis, ito ay maaari lamang kapag siya ay isinakdal na. Kaya kapag ang isang tao ay hinuli at pansamantalang ikinulong dahil siya ay pinaghinalaan sa isang kasong kriminal, siya ay mapapabukod habang iniimbistigahan.

Upang maagapan ang mga kasong ganito, ang mga Samahan ng mga Abogado sa buong bansa ng Japan ay bumuo ng isang sistema na tinawag nilang “Touban Benggoshi Seido” o sistema ng abogadong “on-duty”. Sa sistemang ito kapag ang isang taong napaghihinalaan ay humiling ng abogado sa Samahan ng mga Abogado, ang “on-duty” na abogado ang siyang pupunta sa pulisiya upang pangalagaan ang mga karaparan niya. Maaari ding ang isang miyembro ng pamilya, kaibigan o kakilala ng pinaghihinalaang tao ang humiling sa Samahan ng mga Abogado ng tulong ng abogadong “on-duty”. Kung kailangan ang interpreter, maaari ding humiling. Kapag nakipagkita sa isang abogadong “on-duty”, malalaman ang mga basikong impormasyon at pamamaraan ukol sa pinaghihinalang kriminal na kaso at maaaring itanong ang mga bagay na nakakabagabag sa kalooban upang mabawasan ang pagaalala. Ang unang pakipagkita sa abogadong “on-duty” ay walang bayad ngunit mula sa ikalawa ay mayroon na. Maaaring ding hilingin na ang pumuntang abogadong “on-duty” ang maging kinatawang tagapagtanggol. Ang bayad sa abogado ay nag-iiba depende sa kaso kaya itanong sa unang pagkikita ang maaaring maging halaga ng kaniyang pagtatangol. Kapag dahil sa kahirapan ay hindi kayang bayaran ang hinihiling na halaga, maaaring humiling ng tulong sa “Lawyer’s Fees Financial Assistance System” ng “Legal Aid Association” o kaya naman, kapag opisyal na ang pagkasakdal humiling ng isang opisyal na abogadong tagapagtanggol na maaaring hirangin ng hukom ng walang bayad. May mga kaso ring maaaring hiramin ang pera ng “Migrant Workers Rights Fund” na pinamamahalaan ng NGO Foreigner’s Assistance Network in Kobe [GQ-net] kaya kumonsulta sa abogado o kaya sa GQ-net.

Para sa karagdagang impormasyon ukol sa mga bagay na nakasaad sa taas, tumawag sa:
* NGO Foreigner’s Assistance Network in Kobe [GQ-net]: 078-232-1290
Salitang maaaring gamitin: English, Chinese, Korean, Spanish, Portugese at Japanese
Miyerkules: 2:00 pm ~ 8:00 pm; Sabado: 11:00 am ~ 5:00 pm
* Kobe Foreigner’s Support Center [KFC]: 078-731-6926
Salitang maaaring gamitin: Vietnamese at Japanese
Mula Lunes hanggang Biernes: 10:00 am ~ 4:30 pm