SISTEMA NG TULONG AT SUPORTANG PANG-EDUKASYON


Nagbibigay tulong at suporta ang Board of Education ng bawat lokal na pamahalaan sa mga nangangailangang mga magulang ng mga batang pumapasok sa pang-publikong mababang paaralan (elementary) at pang-gintnang paaralan (junior high school) upang ang mga bata ay makapag-aral ng masaya, sa paraang pagbigay ng pambili ng mga gamit pang-paaralan tulad ng lapis, at iba pa, at ng mga libro, ng bayad ng pagkain sa tanghali sa paaralan, at iba pa.

1. Ang mga maaaring makatanggap ng tulong at suportang ito:
1) Mga tumatanggap ng suporta para sa pamumuhay sa gobyerno.
2) Mga tumatanggap ng suporta para sa kanilang anak na ang edad ay hindi pa maaaring pumasok sa mababang paaralan (elementary).
3) Ang kinita ng pamilya sa taong 1999 ay mababa sa nakatakdang halagang batayan.
* Ukol nakatakdang halagang batayan, magtanong sa gurong tagapamahala ng inyong anak sa paaralan.
4) Hindi nakapasok sa mga nasa itaas ngunit dahil sa ibang pangyayari pinansyal na nahihirapang ipasok sa paaralan.
Halimbawa: Nawalan ng hanap-buhay ang taga-suporta ng pamilya kaya naghirap.
Dahil sa diborsyo kaya naghirap. Iba pa.

2. Paraan ng pag-apply:
1) Tumatanggap ng application taon-taon.
2) Maaaring magbigay ng isa lamang application ang bawat pamilya.
* Ukol sa mga detalyang impormasyon, magtanong sa gurong tagapamahala ng inyong anak sa paaralan.

Mga Mahalagang Paalala
1) Para po sa mga nakatira sa Siyudad ng Kobe: ang huling araw ng pasahan ng mga application ay Hunyo 15 sa taong ito. Kung sakali man kayo ay nagpasa ng application ng lampas na sa Hunyo 15, maaari makatanggap ng tulong mula sa buwang kayo ay nagpasa ng application.
2) Naiiba ng kaunti ang sistema ng tulong at suportang pang-edukasyon sa Board of Education ng bawat lokal na pamahalaan. Upang malaman ang detalyadong impormasyon, kumunsulta sa gurong tagapamahala ng inyong anak sa paaralan, sa pinakamalapit na tanggapan ng Board of Education o kaya sa mga grupong maaaring konsultahan ng mga dayuhan.

[Mga grupong maaaring kumonsulta ang mga dayuhan]
* Kobe Foreigner’s Center [KFC]: 078-731-6926
Wika: Vietnamese at Japanese
Araw ng konsulta: Martes~Biyernes, alas 10 ng umaga ~ alas 4:30 ng hapon
* NGO Network sa Pagtulong ng Mga Dayuhan sa Kobe [GQ-net]: 078-232-1290
Wika: English, Chinese, Korean, Spanish, Portugese at Japanese
Araw ng konsulta: Miyerkules; alas 2:00 ng hapon ~ alas 8:00 ng gabi, Sabado; alas 11:00 ng tanghali ~ alas 5:00 ng hapon