Nabago na ang sistema ng pagpapatala ng mga dayuhan noong Abril 1, 2000. Ang mga mahalagang pagbabago ay ang mga sumusunod:
Tinangal na ang regulasyong pagkuha ng fingerprint:
Ang regulasyon para sa mga hindi permanenteng residenteng dayuhang (mga dayuhang nabigyan ng isang taon o higit pa na visa at ang mga naninirahan dito sa Japan ng mahigit na ng isang taon) na inuubligang magpakuha ng kanilang fingerprint ay naging tulad na ng regulasyon para sa mga permanenteng residente o espesyal na permanenteng residenteng hindi na kailangang pagpa-fingerprint at sa halip ay irerehistro ang pirma at ang mga miyembro ng pamilya.
Nadagdagan ang mga taong sa inyong halip ay maaaring pagparehistro ng mga pagbabago sa inyong rekord:
Ang sinumang kamag-anak na kasama ninyong nakatira sa inyong tahanan ay maaari nang magparehistro ng anumang pagbabago sa inyong rekord sa munisipyo ukol sa tirahan, sa inyong visa, sa durasyon ng inyong visa, at iba pa.
Permanenteng Residente at Espesyal na Permanenteng Residente:
Para sa mga Permanenteng Residente at Espesyal na Permanenteng Residente, tinanggal na ang parteng sinusulat ang klase ng inyong trabaho, at ang pangalan at address ng pinapasukan sa registration form, hinabaan na rin at naging 7 taon na ang dating 5 taong maaaring gamitin ang Alien Registration Card bago ito palitan.
Maari ng mag-aplay ang sinuman ng bagong Alien Registration Card na wala fingerprint. Ang bagong Alien Regisatration Card ay balido ng 5 taon mula sa araw na ito ay naibigay sa inyo.
Para sa iba pang detalye tungkol sa bagay na ito, tumawag lamang sa for Kobe Foreigners Support Center [KFC] o sa NGO Foreigners Assistance Network in Kobe [GQ-Net].
* Ang Kobe Foreigners Support Center [KFC] ay tumatanggap ng mga tawag mula Martes hanggang Biyernes, alas 10:00 ng umaga hanggang alas 4:00 ng hapon sa teleponong 078-731-6926.
* Ang NGO Foreigners Assistance Network in Kobe [GQ-Net] naman ay tumatanggap ng mga tawag tuwing Miyerlkoles mula alas 2:00 ng hapon hanggang alas 8:00 ng gabi at Sabado mula 11:00 ng umaga hanggang alas 5:00 ng hapon sa teleponong 078-232-1290.