DISKRIMINASYON SA PANGUNGUPAHAN NG TIRAHAN


Sinasabing ang “Diskriminasyon sa Pangungupahan ng Tirahan” ay maihahalintulad sa mga pangyayaring ginagawang dahilan ang pagiging isang dayuhan ng nais mangupahan upang ang dayuhan ay matanggihan o gawing isang malaking isyu ang kakulangan sa kaalaman sa wikang Hapon o sari-saring pamamaraan ng pagkaltas ng labis-labis na komisyon.

Bagama’t maliwanag na makikitang may mga pangyayaring ang pagiging dayuhan ang ginagawang dahilan ng pagtanggi, may mga pagkakataon din namang walang sapat na paliwanag sa dahilan.

Ang ganitong mga pangyayari ay mali at di-wasto, ang pag-diskrimina sa mga dayuhan ay sinasabing malubhang paglabag sa karapatan ng tao.

May mga pagkakataong dahil sa hindi makapagsalita ng wikang Hapon ang isang nais mangupahan, siya ay tinanggihan dahil hindi maunawaan, o kung hindi rin lamang isang Hapon ang tatayong sponsor ng naturang dayuhan ay hindi maaari.

May mga pangyayaring kahit na hindi matanggihan sa pangungupahan, sinisingil ang hindi naman talagang kailangan na bayad sa pamatay sunog o pamuksa sa mga insekto, at sapilitang pinagbabayad sa tirahan ng higit pa sa itinakdang halaga ng dapat na babayaran.

Hindi naman lahat ng ahente ng real estate ay ganito, subalit upang makaiwas sa mga nabanggit na pangyayari ay mahalagang mag-ingat. Lubhang mapanganib ang basta na lamang padadala sa mga anunsiyong nakapaskel sa mga poste na nagsasaad ng murang pabahay. Ipinapayong bago makipagsara sa isang kontrata, makabubuting sumangguni muna sa iba; hangga’t maaari, huwag magpadalos-dalos sa pagbibitaw ng pasiya ng nag-iisa lamang. Bago pa man makipagsara sa kontrata, makabubuti marahil na subuking humingi ng payo sa Gaikokujin Soudan Madoguchi.

Ang pagkonsulta sa mga bagay na may kinalaman sa kontrata sa real estate ay tinatanggap sa Kobe Teijyuu Gaikokujin Shien Center at sa NGO Gaikokujin Kyuen Net. Huwag mabahala, kahit na di kayo marunong ng wikang hapon ay maaari pa rin kayong kumonsulta sa kanila.
Ang oras at araw ng pagkonsulta sa Kobe Teijyuu Gaikokujin Shien Center ay mula sa Martes hanggang Biyernes, alas-10 ng umaga, hanggang 4:30 ng hapon.
Tumawag po lamang sa telepono bilang 078-731-6926.

Sa NGO Gaikokujin Kyuen Net naman ay tumatanggap ng pagkonsulta sa mga sumusunod na araw; tuwing Miyerkoles mula alas-2 ng hapon hanggang alas-8 ng gabi, tuwing araw ng Sabado ay bukas sila mula alas-11 ng tanghali hanggang alas-5 ng hapon. Ang numero ng kanilang telepono ay 078-232-1290