Kapag ibinigay ninyo ang sertipiko ng kabuntisan sa munisipyo, makakatanggap
kayo ng buklet para sa mga buntis na kung tawagin ay BOSHIKENKOUTECHOU. May
mga tiket na kasama ang buklet para sa libreng pagsusuri sa kalusugan ng ina
at ng sanggol. Makakatanggap ng BOSHIKENKOUTECHOU kahit na walang visa, ngunit
ang tiket para sa libreng pagsusuri sa kalusugan ay hindi matatanggap.
Karaniwan, ang gastos ng pagbubuntis at panganganak ay sariling bayad, hindi
ginagamit ang medical insurance, ngunit depende sa uri ng medical insurance
na mayroon naiiba sa patakaran. Kung nahihirapan sa pagbabayad ng gastos sa
panganganak, may mga medical insurance na maaaring malibre ang bayad, o kaya
naman may sistema upang makapanganak na maliit lamang ang magagasta. Mag-aplay
sa welfare office bago manganak. Hindi nagtatanong ukol sa visa upang magamit
ang sistemang ito. Kung kayo ay may medical insurance, ibabalik sa inyo ang
halagang ¥300,000 pagkatapos manganak.
Ang pag-rehistro ng panganganak ay kailangan isagawa sa loob ng 14 na araw mula
sa araw ng panganganak sa munispyo ng lugar ninyo. Ang papel sa pagrehistro
ng panganganak ay may kasamang birth certificate na kailangang sulatan ng doktor
kung sa opsital nanganak. Bukod dito, kailangan ang BOSHIKENKOUTECHOU, at ang
selyo o pirma ng nagparehistro.
Kung ang mga magulang ng sanggol na pinanganak ay parehong hindi hapon makakakuha
sila sa munisipyong pinagrehistrohan nila ng panganganak ng dalawang sertipiko
ng pagrehistro ng panganganak, para sa pagkuha ng visa ng sanggol at para ibigay
sa kanilang embahada. Para makakuha ng visa para sa sanggol, pumunta sa pinakamalapit
na tanggapan ng imigrasyon sa loob ng 30 araw. Ang kailangang mga papeles ay
ang sertipiko ng pagrehistro ng panganganak, ang pasaporte at Alien Card ng
magulang na pupunta sa tanggapan ng imigrasyon, at ang papeles na susulatan
sa imigrasyon na mismo. Kahit walang visa ang magulang ng sanggol, mainam na
kumuha ng birth certificate at sertipiko ng pagrehistro ng kapanganakan. Kung
Hapon at dayuhan ang magulang, karaniwang ay dalawang nasyonalidad ang makakamit
anak. Kapag Hapon ang ama at hindi kasal ang mga magulang, mahirap kumuha ng
nasyonalidad ng Hapon para sa anak kung hindi kinikilala ng ama na kanyang anak
ang bata. Kapag mayroon kayong hindi maiintindihan, kumonsulta lamang sa mga
kapisang sumusuporta sa mga dayuhan.
Kung nais kumonsulta ukol sa kalusugan, tumawag lamang sa AMDA International
Medical Information Center Kansai. Maaaring kumonsulta kahit hindi nakakapagsalita
ng wikang Hapon.
Mula Lunes hanggang Biyernes ay wikang English at Spanish, mayroong araw na
makakakonsulta sa wikang Portuguese at Chinese.
Magtanong sa 06-4395-0555.