[Dayal Mensahe pang Sakuna] ay isang sistemang magsisilbi bilang isang [message board ng mga boses] sa pagitan ng mga tao na nasa lugar na apektado ng sakuna at sa mga tao sa ibang lugar sa panahong magkaroon ng malaking sakuna. Ang impormasyong ipinatala ng mga nakatira sa lugar na apektado ng sakuna, tulad ng kung ligtas siya o hindi, ay maaaring pakinggan ng mga kamag-anak at kaibigan nila sa pamamagitan ng [Sentro para sa Dayal Mensahe pang Sakuna] na itinayo sa buong bansa. Ang numero ng telepono ng nakatira sa lugar na apektado ng sakuna ang gagamitin upang mag-rekord o makinig sa mensahe.
Upang magamit, idayal lamang ang 171 at sundin ang maririnig na patnubay.
Hindi kinakailangan ang kontrata o anuman bago magamit ito.
* URI NG TELEPONO NA MAAARING GAMITIN
Ordinaryong telepono (touch-tone at dayal tone), cell phone, PHS, payphone, INS Net 64, 1500 at Members Net (pag gumamit ng off-net call lamang).
* PANAHON NG PAG-UMPISA NG SERBISYO
Uumpisahan ang serbisyo kapag nagkaroon ng lindol, pagputok ng bulkan o iba pang sakuna, at mahirap tawagan ang lugar na apektado ng sakuna dahil sa dumami ng tawag para malaman kung ligtas o hindi ang mga tao doon.
Batay sa kundisyon na umiiral, itatakda ng NTT at ipapabatid sa TV at radyo kung kailan uumpisahan, kung anong numero ng telepono ang maaaring ipatala, ang paggamit at ang mga kundisyon ng serbisyo.
* NUMERO NG TELEPONONG MAAARING IPATALA (Numero ng telepono sa lugar ng sakuna)
Ang maaaring ipatala ay mga telepono ng NTT sa lugar na mahirap tawagan dahil sa sakuna (lugar ng magpatala ng mensahe). Ito ay 9~10 pigura kasama ang area code.
* MGA KUNDISYON NG PAGPAPATALA
-Ang oras para mag-rekord ng mensahe, hanggang 30 segundo sa bawat mensahe
-Ang oras na mananatiling naka-rekord ang mensahe, 48 oras mula sa oras ng pag-rekord
-Ang numero ng mensaheng maaaring ipunin, 1~10 mensahe lamang sa bawat telepono (sasabihin sa oras na gagamitin)
* PAGBURA NG MENSAHE
Kusang mabubura ang mensahe kapag tapos na ang oras na nakatakdang maaaring manatili ang naka-rekord na mensaheng ito.
* BAYAD SA PAGGAMIT
May bayad ang tawag sa telepono sa lugar na apektado ng sakuna para mag-rekord ng mensahe o pakinggan ito. Ngunit walang bayad sa paggamit ng sentro. Kapag naging libre ang paggamit ng mga ispesyal na teleponong inilagay sa lugar na apkektado at mga payphone na naroroon, libre din ang paggamit mula sa mga teleponong ito.