Ilang buwan pa at tayo ay habarap sa isang pagsubok na hindi pa natin naranasan: ang Y2K o Millennium Bug. Dito sa bansang Hapon, maraming inpormasyon na ang naipalabas sa pamamagitan ng malawakang pakikipag-ugnayan gaya ng sa Internet, TV at iba pa. Ngunit, ilan ba sa mga dayuhang nandito sa bansang ito ang may nalalaman tungkol dito? At kung mayroon man, sapat ba ang kaalamang ito?
Nang magsimulang maging popular ang paggamit ng computer, ang parti nito na responsable sa pagtago ng data o 'memory storage' ay napakamahal. Para makatipid sa mga makinaryang gumagamit ng computer o semiconductor chips, nakaugalian nang gamitin o iencode ang huling dalawang numero ng taon at hindi ang buong apat na numero: halimbawa, ang taong 1975 ay isinusulat lamang na 75. Ang problema ay ganito: pagdating ng taong 2000, irerehistro sa computer ang 00 na iinterpretahin naman ng computer na taong 1900. Sa ganitong pagkakataon, ang computer ay hindi tatakbo ng normal.
Sabihin man natio o hindi, ang ating pang araw-araw na buhay ay dumedepend sa paggamit ng mga conputer. Paano kung ang mga computer na ito-kahit mangilan-ngilan lang-ay magkamali o tumigil sa pagtakbo? Maraming posibleng mangyari sa paglipat ng tanong 1999 sa 2000. Hindi maisip kung gaano kelaki ang pinsalang dala nito at at kung hanggang kailan ito magtagal. Sa acting pang araw- araw na buhay, ito ang posibleng mangyari: ang inprastakuira gaya ng kuryente, tubing, at supply ng gas ay maaring tumigil: magkakagulo-gulo ang linya ng telepono; mawawalan ng kontrol sa paggamit ng sasakyan; hindi tatakbo ng wasto ang tren croplano. Kung ang importasyon ng langis ay titigil, at ang reserba ng bansa ay manbos, wala na ring paraan sa pagluwas ng pagkain sa iba t-ibang lugar. Ang bansang Hapon ay nanguna sa mga bansang dumedepende sa paggamit ng computer. Sa katunayan, mahigit kumulang sa 40% ng kakanin at 100% ng enerhiya ay imported. Sa puntong ito tinatayang ang bansang Hapon ay hibbang manapektuhan ng Y2K o Millennium Bug.
Ang gobyerno ng bansang Hapon, ang mga lokal na sangay nito, at ang mga kumpanya ay gumagawa ng paraan sa pagsalubong sa problemang ito. (Halimbawa,ang JTB o Japan Travel Bureau ay nagpalabas na ng direksyon na lahat ng package-travel tours na nakataiagang bibiyanhe sa paglipat ng taon ay suspendido.) Subalit, lubhang marami ang computer programs na daguhin. At semiconductor chips na dapat palitan. Dagdag pa rito ay kinakapos na sa pera, gahol na oras at kulang sa tao na puwedebg guwedeng gumawa nito. Kahit pa ginagawa ng marurunong ang kanilang makakaya, imposibleng walang problema na maaring. Kung kaya mas maiging tayong mga mamamayan, pati na rin dayuhan, ayhanda sa pagharap nito. sa isip at sa ating pamumuhay.
Sa dahilang tayo ay nasa isang banyangang bansa, hindi mapigilan na ta-yo ay mangamba o matakot. Subalit posibleng makontrola ang pinsalang dulot nito kung tamyo ay handa. Una dapat tayong magkaisa at makipa gpalitan nginpormasyon tungkol dito sa aling komumnidad at mga kababayan. Ang mga sumusunod ay puwede ring gawin:
* Maghanda ng pagkain, tubig, pangunahing karampatan sa sakir (first aid kit), langis, at iba pang ppangunahing pangangailangan ng tao, pamilya okomunidad.
* Iwasang bumiyahe sa daan, dagat o himpapawid sa paglipat ng taon. Iwasan din ang paggamit ng elevatar sa mga oras na ito.
* Kumuha ng kopya ng inyong bank accouts at iba pang importanteng dokumento bago matapos ang taong ito.
* Siguraduhing ang inpormasyong nasasagap ay tutuo at maging mahinahon sa lakat ng oras, Huwag basta pasta padadala sa mga inpormasyong hindi tiyak.