PABATID UKOL SA PAGBAGO NG BATAS NG IMIGRASYON


Noong Oktubre 1999, ilang bahagi ng batas ng imigrasyon ang binago na nagkabisa noong Febrero 18, 2000. Ang sumusunod ay paliwanag sa mga pagbabagong ito, lalo na sa mga bahaging ina-akalang mahirap unawain.

Una, nagkaroon na ng Krimeng Pananatili (sa bansang Hapon) na Labag sa Batas.
Ito ay upang parusahan ang sinumang pumasok ng labag sa batas sa bansang ito na gamit ay palsipikadong pasaporte o kaya ay pasapaorte ng ibang tao, o kaya ay hindi tama ang pamamaraan ng paglakad ng pagparito.
Ang regulasyong penal na ito ay ipapairal lamang sa oras na mahuli at masakdal. Kaya kapag sumuko sa imigrasyon hindi nangangahulugang magbabayad ng multa o makukulong.
Ang Krimeng Pananatili (sa bansang Hapon) na Labag sa Batas ay hindi sakop ang mga pumasok sa bansang ito na legal ang pasaporte at tama ang pamamaraan ngunit nanatili na lampas sa palugit na araw na ibinigay sa kanila (ang nag-overstay).

Pangalawa, hinabaan ang panahong ng pagtanggi sa nais makabalik sa bansang ito.
Ang apektado dito ay lahat ng na-deporteng tao dahil sa nag-overstay, ilegal na pumasok sa bansang ito, pumasok sa bansang ito sa pamamagitan ng pag-stow-away, at iba pang ilegal na paraan.
Bago hinabaan, isang taon na hindi maaaring bumalik sa bansang ito ang mga na-deporte ngunit mula Pebrero 18, 2000 ito ay naging limang taon na. Gayun pa man, ang lahat ng na-deporte bago sa takdang araw na ito ay tulad pa rin ng date na maaari muling makapag-apply ng pagbalik dito matapos ang isang taon.

Kung nais kumonsulta ukol sa pagbabago ng batas ng imigrasyon, tumawag lamang sa telepono ng NGO Foreigner’s Network’s Information Hotline na 078-232-1290. Maaaring kumonsulta kahit hindi nakakapagsalita ng wikang Hapon.