ANG UNEMPLOYMENT INSURANCE


Ang Unemployment Insurance (Koyou Hoken) ay para sa mga namamasukan na sa kasong sila ay mawalan ng trabaho, garantisado ang kanilang pamumuhay sa loob ng panahong sila ay walang trabaho.

Ang pinapasukang kumpanya ang siyang naglalakad ng papeles upang makasali sa insurance na ito. Ang bayad naman ay paghahatian ng taong sasali at ng pinapasukang kumpanya. Maraming kumpanya ang hindi sumasali sa insurance na ito kaya kapag pumasok sa isang kumpanya tanungin kung kasali o hindi sa Unemployment Insurance (Koyou Hoken). Kung ang kumpanya ay hindi kasali sa insurance na ito, maaaring sumali pag nagbayad ng nakalipas na dalawang taon.

Ang batayan ng matatanggap na benepisyo ay ang natanggap ng suweldo bago mawalan ng trabaha. Upang makatanggap ng benepisyo ito kailangang 6 na buwan sa nakalipas na isang taon bago mawalan ng trabaho. Upang matanggap ang benepisyo sundin ang mga sumusunod na paraan.

Una, kumuha sa kumpanya ng Unemployment Certificate (Rishokuhyo). Nakasulat dito kung mula kailan kayo nakapasok sa insurance, ang inyong suweldo at ang dahilan kung bakit kayo tumigil sa trabaho. Dalhin ito sa Public Employment Security Office at pagkatapos makapag-aplay sa paghahanap ng bagong trabaho, mabibigyan kayo ng sertipiko ng isang walang trabaho. Sa kasong kayo ang tumigil sa inyong trabaho at hindi natanggal, maaaring maghihintay kayo ng 1~3 buwan bago makatanggap ng benepisyo. Ang gulang at ang tagal ng panahong kasali sa insurance ang batayan kung gaano kahaba ang panahong makakatanggap ng benepisyo ngunit ito ay sa loob lamang ng 90 hanggang 300 araw.

Kung nais kumonsulta tungkol sa Unemployment Insurance (Koyou Hoken), tumawag lamang sa¢Information Hot Line£ ng NGO Foreigners’ Assistance Network. Ang kanilang telepono ay 078-232-1290. Maaari makapag-konsulta kahit hindi nakakapagsalita ng wikang hapon.