BAKUNA PARA SA MGA BATA


Ayon sa batas ng bansang Hapon ang mga bata ay kailangang bakunahan laban sa walong uri ng sakit, nakatakda ang gulang ng bata sa sa bawat bakuna.

Ang walong ito ay ang mga sumusunod; ang bakunang BCG na para sa sakit na tuberkulosis, para sa Whooping Cough o tuspirina sa tagalog, dipteria at tetanus sa pamamagitan ng tinatawag na DPT Compound Vaccine; para sa polio, tigdas, rubella at ang Japanese Encephalitis. Ang mga rehistradong dayuhan na nakatira dito sa Japan ay mababakunahan ng libre, samantalang ang mga hindi nakarehistrong dayuhan na nais magpabakuna ay magbabayad.

Maraming pagkakaiba sa patakaran ng bakuna dito sa Japan at sa ibang bansa. Halimbawa, may ilang bansang nagbibigay ng bakuna para sa polio ng mahigit pa sa tatlong beses, subali’t dito sa Japan ay dalawang beses lamang. Sino man ang may nais na magpabakuna ng ika-tatlong beses para sa polio ay maaari, pero ito ay inyong babayaran.

Sa mga bansang kanluranin ay nagsasagawa ng bakuna laban sa sakit na Haemophilus Influenza Type “b”, ang naturang bakuna ay wala sa Japan dahilan sa ito ay hindi pa naaaprubahan.

Ang mga nabanggit na bagay ay ilan lamang na halimbawa ng pagkakaiba ng mga alituntunin hinggil sa patakaran ng pagbibigay ng bakuna dito sa Japan at sa ibang bansa man. Para sa wastong kaalaman sa bagay na ito, makipag-ugnayan lamang sa mga awtoridad ng munisipyo na namamahala sa pagbibigay ng bakuna, sa mga health centers o sa pedyatriya.

Kung may nais man kayong malaman tungkol sa pagpapagamot, mangyari lamang na makipag-alam sa AMDA Kokusai Iryo Jyohoo Center. Kahit na di kayo marunong ng wikang hapon ay makakapagtanong pa rin.

Kung nais ninyong kumonsulta ukol sa pagpapagamot, tumawag sa AMDA International Medical Information Center in Kansai (Kansai Kokusai Iryou Jouhou Center Kansai). Maaari kumonsulta kahit hindi nakakapagsalita ng wikang hapon. Maaaring kumonsulta sa wikang Ingles at Espanol mula Lunes hanggang Biyernes, may araw din na para sa wikang Portugal at Intsik Ang kanilang telepono ay 06-4395-0555.