UKOL SA VISA MATAPOS MAKIPAG-DIBORSIYO


[Ano na ang kahihinatnan ng aking visa kapag ako ay makipaghiwalay sa aking asawang hapon?]
[Dapat kayang bumalik ako agad sa aking bansa?]

Ito ang mga katanungang madalas marinig sa mga dayuhan.

Ang mga dayuhang asawa ng isang Hapon na naninirahan dito sa Japan na ang visa ay “Asawa ng Hapon” (Nihonjin no Haigusha tou) ay matatanggalan ng visa bilang isang “Asawa ng Hapon” (Nihonjin no Haigusha tou) kapag nakipag-diborsiyo.

Gayunpaman, maaari kayong manirahan dito hanggang sa mapaso ang ibinigay sa inyong visa.

May mga pagkakataon ding maaring mapalitan ang inyong status bilang asawa ng Hapon (Nihonjin no Haigusha tou) ng isang bilang residenteng (teijuusha).

Halimbawa, kung kayo ay may anak o mga anak na nagtataglay ng nasyonalidad ng pagiging isang Hapon, at kayo ang siyang mag-papalaki sa mga ito, maaari kayong magpalit ng status ng bilang isang residente (teijuusha). Kapag naman dito na ninyo tuluyang palalakihan ang inyong anak, maaaring humiling ng extensiyon sa palugit na ibinigay upang manatili rito.

Noon nakakapagpalit ng status bilang asawa ng Hapon (Nihonjin no Haigusha tou) sa isang bilang residenteng (teijuusha) kapag nakipag-diborsiyo depende sa sirkumstansiya. Ngunit mula ng naglabas ang Ministry of Justice ng isang opisyal na pabatid ukol dito noon Hulyo 30, 1996, naging parepareho na sa buong bansa ang pagtrato sa lahat ng mga kaso.

Kung nais kumonsulta tungkol sa visa, tumawag lamang sa “Information Hot Line” ng NGO Foreigners’ Assistance Network. Ang kanilang telepono ay 078-232-1290. Maaari makapag-konsulta kahit hindi nakakapagsalita ng wikang hapon.