PAHAYAG UKOL SA NURSING INSURANCE


Mula Abril 1, 1000, ipinairal na ang sistema ng Nursing Insurance.

Sa sistema ng Nursing Insurance, kailangan magbayad ng insurance kapag sumapit sa 40 taong gulang at kapag sumapit sa 65 taong gulang o higit pa at mapatutunayang kailangan ng pangangalaga, maaari makatanggap ng serbisyo ng isang tagapang-alaga.

Naging miyembro ang lahat ng mamamayang ang gulang ay 40 at higit pa sa insurance na ito ng ito ay pairalin noong Abril 1, 2001.

Sa kaso ng mga dayuhan naman, lahat ng mayroong National Health Insurance (Kokumin Kenko Hoken) o Social Health Insurance (Shakai no Kenko Hoken) ang maaaring makasali.

Sa Siyudad ng Kobe, pinaghahandaan ang pagmudmod ng mga buklet na naglalaman ng paliwanag ukol sa Nursing Insurance at ang pagpunta sa bahay-bahay upang ipaliwanag ang mga detalya ukol dito.

Para sa ng dayuhan, matatanggap ninyo ang naturang sa pamamagitan ng koreo. Maaari ding puntahan sa sariling tirahan upang makatanggap ng detalyang paliwanag kung hilinggin.

Maaaring magtanong o kumonsulta ukol sa sistema ng Nursing Insurance para sa mga dayuhan sa Kobe Resident Foreigners’ Support Center (Kobe Teijuu Gaikokujin Shien Center) mula Martes hanggang Biyernes mula alas-10 hanggang 4:30 ng hapon. Ang kanilang telepono ay 078-731-6926. Maaari makapag-konsulta kahit hindi nakakapagsalita ng wikang hapon.