MGA PUNDAMENTAL NA IMPORMASYON UKOL SA SISTEMA NG INSURANCE


Sa bansang Hapon, may sistema ng insurance pang-medikal na kapag ikaw ay nagkasakit o napinsala ay maaari kang magpagamot ng mura lamang. Hindi lamang makakatulong sa oras na ikaw ay magkasakit o mapinsala, pati rin ang iyong pamilya ay maluwag ang kaloobang makakapagpapagamot.

May dalawang klase ng insurance sa bansang ito, ang Kenko Hoken o Health Insurance ang at ang Kokumin Kenko Hoken o National Health Insurance.

Ang Health Insurance (Kenko Hoken) ay para sa tulad ng mga empleado sa opisina o mga manggagawa sa pabrika at sa kanilang pamilya. Ang kumpanya ang nag-aayos nito kaya sa mga hindi pa nakapasok sa Health Insurance (Kenko Hoken) kunsultahin ang taong kinauukulan sa inyong pinapasukan. Ang halaga ng bayad sa insurance na ito ay nag-iiba depende sa natatanggap na suweldo ngunit kahit na ano ang dami ng inyong anak hindi ito magbabago.

Ang babayaran kung magpapagamot ay 20% ng halaga kung para sa sarili at 30% naman kung para sa pamilya. Sa oras na ma-ospital naman, 20% pareho ang babayaran para sa sarili at para sa pamilya.

Sa National Health Insurance (Kokumin Kenko Hoken) naman maaaring makapasok ang mga dayuhang estudyante at ang mga nagtatrabaho sa maliliit na tindahan na nakapagpa-rehistro bilang isang dayuhan o may Alien Card, at makapagpapatunay na sila ay nanirahan na rito ng isang taon o mahigit pa.

Upang makapasok sa National Health Insurance (Kokumin Kenko Hoken) pumunta lamang sa munisipyong pinagkuhanan ninyo ng Alien Card at doon magpa-miyembro. Hindi maaaring sumali ang mga dayuhang ang visa ay maikling panahon lamang.

Kung magpapagamot at gagamitin ang insurance na ito, kahit sinuman 30% ng halaga ng pagpapagamot ang babayaran. Ang bayad naman sa insurance na ito ay nagbabago hindi lamang depende sa natatanggap na suweldo, depende rin sa dami ng miyembro ng pamilya.

Kung nais ninyong kumonsulta ukol sa pagpapagamot, tumawag sa AMDA International Medical Information Center in Kansai (Kansai Kokusai Iryou Jouhou Center Kansai). Maaari kumonsulta kahit hindi nakakapagsalita ng wikang hapon. Maaaring kumonsulta sa wikang Ingles at Espanol mula Lunes hanggang Biyernes, may araw din na para sa wikang Portugal at Intsik Ang kanilang telepono ay 06-4395-0555.