Ito ay pahayag mula sa tanggapan ng Kokumin Nenkin (National Pension) ukol sa [Menjo Seido (Sistema ng palibre ng Bayad)].


Ang Kokumin Nenkin (National Pension) ay mayroong sistema upang mapalibre sa pagbabayad ang mga taong mabababa ang kita kaya nahihirapan hulugan ang bayad ng insurance.

May dalawang uri ng pagpapalibre sa sistemang ito, ang [Zenkaku Menjo (Pagpapalibre ng Buong Halaga)] na ang buong halaga ng bayad ng insurance ay mapapalibre, at ang [Hangaku Menjo (Pagpapalibre ng Kalahati ng Halaga)] na ang kalahati ng halaga ng bayad ay mapapalibre at and natirang kalahati lamang ang babayaran

Maaaring mapalibre lamang ang nakalipas na buwan matapos iharap ang kahilingan, kaya kung nais mapalibre sa bayad dalhin ang inyong Nenkin Techo (Buklet ng National Pension) sa munisipyo o sa sangang tanggapan ng munisipyo na sakop ang inyong tirahan at ilakad agad ang papeles ng paghiling

Para naman sa mga nakatanggap na ng pagpapalibre hanggang sa buwan ng Hunyo at nais ito ipatuloy, kailangang ilakad ang kahilingan sa pagpapatuloy nito hanggang Agosto 31 (Martes).

Pahayag ito galing sa tanggapan ng National Pension.



<< Back